MANILA, Philippines – Mahigit 400 reklamo ng vote buying at abuse of state resources (ASR) ang iniulat bago ang May 12 midterm elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sinabi ni Comelec-Committee on Kontra-Bigay chairperson Commissioner Ernesto Maceda sa Meet The Manila Press nitong Martes na kabuuang 439 vote buying at ASR ang inihain hanggang noong May 8.
Sa nasabing bilang, 268 ang vote buying, 139 ang ASR, at 41 ang vote buying at ASR.
Ayon sa komisyuner, karamihan sa uri ng vote buying na inireport ay pamamahagi ng pera, cash assistance, at mga bagay na may halaga.
Sa kabilang banda, ang ASR ay mga gawain sa uri ng “ayuda” o social welfare assistance.
Sinabi naman ni Comelec Chairman George Garcia na handa nilang suspindihin ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato na may pending disqualification cases. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)