Home HOME BANNER STORY Romualdez: Kamara ‘di makagalaw sa impeachment complaint vs PBBM

Romualdez: Kamara ‘di makagalaw sa impeachment complaint vs PBBM

TACLOBAN City – Nilinaw ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na hindi makagagalaw ang Malaking Kapulungan sa impeachment complaint na ihahain laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. habang naka-recess ang Kongreso.

“Well, wala pa tayo, we’re not in session right now. So, not much can be done, ‘di ba?” ani Romualdez sa isang ambush interview pagkatapos ng Region 8 unity rally.

Wala aniya si House Secretary General Reginald “Reggie” Velasco para tanggapin ang impeachment dahil siya ay dumadalo sa isang seminar.

“At sa [pagka] alam ko po, maski ‘yung Sec-Gen nasa seminar sila. So, we may have to wait for the proper time to consider that.”

Nang tanungin tungkol sa timing ng impeachment, sinabi nito na “Well, that’s, I really don’t know. I don’t know what inspired them. But hayaan mo na lang sila.”

Ang impeachment complaint laban kay Pangulong Marcos ay itinutulak ng Duterte Youth party-list.

Ang reklamo laban sa pangulo ay naka-angkla sa paglabag sa Constitution, betrayal of public trust matapos ang pag-aresto kay dating President Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Pinagdududahan naman ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre ang timing sa pagsasabing, “Ang tanong ko lang ho sa impeachment, may dalawang linggo na lang ho pagkabalik namin ng session, hindi ko alam kung may saktong oras pa. Hindi ko rin nababasa ‘yung impeachment, pero kaduda-duda na ito po ay ipa-file, apat na araw bago ang eleksyon.” (Meliza Maluntag)