Home NATIONWIDE MMDA GM Torre, walang planong tumakbo sa 2028 elections

MMDA GM Torre, walang planong tumakbo sa 2028 elections

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni MMDA General Manager Nicolas Torre III na wala pa siyang planong tumakbo sa 2028 elections, kahit lumabas ang kanyang larawan sa mga poster ng isang party-list group na nakapaskil sa ilang lalawigan.

Ayon kay Torre, natutuwa siya na may mga naniniwalang epektibo ang kanyang mukha sa pagpapalaganap ng road safety awareness, ngunit nilinaw niyang wala siyang kinalaman sa paggawa, pamamahagi, at pagpapaskil ng mga naturang poster.

Nang tanungin kung balak niyang tumakbo sa 2028, sinabi niyang ang kanyang trabaho sa MMDA ang kanyang pangunahing prayoridad sa ngayon.

“Gusto kong masigurong magawa ko ang aking trabaho sa MMDA sa ikasasaya ng publiko. Hindi ko pa pinapag-isipan ang pagtakbo,” ani Torre. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here