Home HOME BANNER STORY Pagpiyansa ni Revilla, kinuwestiyon ng Ombudsman

Pagpiyansa ni Revilla, kinuwestiyon ng Ombudsman

1
0

MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ng Office of the Ombudsman ang desisyon ng Sandiganbayan na payagan si dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na makapagpiyansa sa kanyang kasong malversation. Sa kanilang motion for reconsideration, sinabi ng mga prosecutor na nagkamali ang dalawang mahistradong bumoto pabor sa piyansa.

Pinayagan si Revilla na makapagpiyansa ng P1 milyon habang dinidinig ang kaso kaugnay ng umano’y ilegal na paggamit ng P76.9 milyon para sa isang “ghost” flood control project sa Pandi, Bulacan na nagkakahalaga ng P92.8 milyon. Ayon sa akusasyon, nakatanggap umano siya ng 25 porsiyentong kickback kapalit ng proyekto, ngunit paulit-ulit niya itong itinanggi.

Ayon sa mga prosecutor, malinaw na ipinapakita ng mga ebidensya na aktibo si Revilla sa umano’y sabwatan, kabilang ang paghingi ng listahan ng mga proyekto ng DPWH at paghingi ng kaukulang “commitment,” kaya’t hindi dapat siya payagang makapagpiyansa.

Nauna nang sinabi ng mayorya ng Sandiganbayan na walang sapat na ebidensyang nag-uugnay sa umano’y kickback ni Revilla sa mismong malversation ng pondo ng gobyerno. Idinagdag pa ng korte na ang 25 porsiyentong kickback ay mula umano sa mga pribadong contractor at hindi direktang pampublikong pondo.

Iginiit ng Ombudsman na mali ang pagtinging ito dahil ang pananagutan ni Revilla ay nakabatay sa umano’y pakikilahok niya sa sabwatan upang mailihis ang pondo ng gobyerno.

Dalawang mahistrado ang bumoto pabor sa piyansa ni Revilla, habang si Third Division Chairperson Associate Justice Karl Miranda ay bumoto laban dito. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here