Home NATIONWIDE MMDA handa na sa Undas 2024

MMDA handa na sa Undas 2024

MANILA, Philippines – Naglatag na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga paghahanda nito para sa paggunita ng Undas ngayong taon.

Nakipagkita si MMDA Chair Romando Artes sa mga opisyal ng Philippine National Police – Highway Patrol Group at National Capital Region Police Office, maging sa traffic bureau chiefs ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila para pag-usapan ang kani-kanilang traffic management plans at emergency responses mula Nobyembre 1 hanggang Nobyembre 3.

Ani Artes, dapat maghanda ang mga ahensya ng pamahalaan para sa inaasahang dagsa ng mga pasahero pauwing probinsya sa pagpapatupad ng mga hakbang para maibsan ang matinding daloy ng trapiko.

Magtatalaga ang MMDA ng kabuuang 1,257 tauhan mula sa Traffic Discipline Office, Special Operations Group-Strike Force, Metro Parkways Clearing Group at Road Emergency Group para sa mga bus terminal, sementeryo at major thoroughfares. RNT/JGC