Home NATIONWIDE MMDA magtatalaga ng 1,329 tauhan para sa SONA 2024

MMDA magtatalaga ng 1,329 tauhan para sa SONA 2024

87
0

MANILA, Philippines- Magtatalaga ang Manila Development Authority (MMDA) ng mahigit isang libong tauhan na aasisti sa traffic management para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 22, 2024, sa Batasang Pambansa sa Quezon City.

Sa Saturday News Forum, sinabi ni MMDA Traffic Operations Officer Manny Miro na sila ang mangangasiwa sa traffic management para sa mga sasakyan, pedestrians, at magsisilbing emergency respondents sa araw ng SONA.

Dagdag niya, magsasagawa rin ang MMDA personnel ng road at sidewalk clearing at babantayan ang trapiko sa highways patungo sa Batasan.

Nauna nang inatasan ni Marcos ang Kamara na tanggapin lahat ng gustong dumalo sa SONA.

Bilang security measure, ila-lockdown ang Batasang Pambansa simula Hulyo 19, Biyernes, bago ang SONA.

Iaanunsyo ang road closures ilang araw bago ang event. 

“Wala pa tayong road closures sa ngayon,” ani Miro.

Nauna nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na magtatalaga ito ng 22,000 police personnel sa SONA.

Kasado rin ang nationwide gun ban sa buong bansa sa Hulyo 22, sa araw ng SONA. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here