Home METRO MMDA: Roadworks kasado sa Aug. 9-12, 16-19, 23-26

MMDA: Roadworks kasado sa Aug. 9-12, 16-19, 23-26

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kasado ang roadworks mula Agosto 9–12, 16–19, at 23–26. 

Batay sa abiso, magsasagawa ang Department of Public Works and Highways ng road reblocking at repairs sa mga sumusunod na lugar na umarangkada na ng alas-11 ng gabi noong Biyernes, Agosto 9, hanggang alas-5 ng umaga sa Lunes, Agosto 12.

  • Tandang Sora lampas ng Culiat High School hanggang Allan Bean (2nd lane mula sa sidewalk), Quezon City

  • EDSA SB lampas ng West Avenue hanggang makalampas ng MRT North Avenue Station (3rd lane mula sa gitna), Quezon City

  • EDSA NB, SM North EDSA Annex hanggang Iglesia ni Cristo (4th lane mula sa gitna), Quezon City 

  • EDSA NB, Quezon Avenue hanggang PhilAm footbridge (2nd lane mula sa sidewalk), Quezon City

  • EDSA SB, Bansalangin Street, hanggang West Avenue (3rd lane mula sa gitna), Quezon City 

  • Mindanao Avenue makalampas ng Sauyo U-turn (1st lane mula sa gitna), Quezon City

  • Commonwealth Avenue SB, Saint Peter Church Footbridge hanggang Shopwise (2nd lane mula sa gitna), Quezon City

  • EDSA SB, Lanutan hanggang Bansalangin (4th lane mula sa gitna), Quezon City 

  • General San Miguel EB sa pagitan ng Bisig ng Kabataan hanggang A. Mabini Street (2nd lane mula sa sidewalk), Caloocan City

  • Tandang Sora Avenue, Sierra Pura Homes, Quezon City

  • Makalampas ng Roxas Boulevard SB EDSA flyover (1st lane), Parañaque City 

  • EDSA SB, L. Woods Street (middle lane) entry patungong Petron, Pasay City

Samantala, nagpalabas ng abiso ang DPWH National Capital Region ukol sa partial closure ng EDSA Southbound mula Connecticut hanggang Ortigas Avenue at sa EDSA Northbound sa Mandaluyong City makalampas ng Guadalupe Bridge hanggang Shaw Boulevard para sa asphalt overlay.

Sarado ang mga kalsada sa weekends ng Agosto mula alas-11 ng gabi ng Biyernes hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes. Ang mga apektadong petsa ay Agosto 9–12, 16–19, at 23–26.

Pinayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta o adjacent lanes sa kasagsagan ng asphalt overlay. RNT/SA