Home METRO MMDA: SC decision ‘di pa umiiral; LGUs pwede pang mag-isyu ng traffic...

MMDA: SC decision ‘di pa umiiral; LGUs pwede pang mag-isyu ng traffic violation tickets

MANILA, Philippines- Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Huwebes na maaari pa ring mag-isyu ang local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR) ng traffic violation tickets dahil ang desisyon ng Supreme Court na tumataliwas dito ay “not yet executory.”

“Iyan nga po ay hindi pa pinal dahil po hindi naman po nakalagay sa desisyon na ito’y immediately executory. Meron pa pong period ang ating local chief executives na mag-file ng appeal or motion for reconsideration,” pahayag ni MMDA acting chairperson Romando Artes sa isang panayam.

“Habang dinidinig pa po yan ay puwede pa pong manghuli ang mga local traffic enforcers,” dagdag ni Artes. 

Kamakailan, nagdesisyon ang SC na hindi maaaring maglabas ang LGUs sa Metro Manila ng traffic violation receipts o ordinance violation receipts (OVRs) laban sa mga driver hangga’t hindi ito awtorisado ng MMDA.

Sa 42-page decision, naglabas ang SC En Banc ng permanent injunction upang pag-isahin ang LGUs na huwag nang mag-isyu ng OVRs at mangumpiska ng lisensya sa pamamagitan ng kanya-kanyang traffic enforcers.

Pinawalang-bisa nito ang mga ordinansa ng Makati, Taguig, Paranaque, Pasay, Quezon City, San Juan, Navotas, Las Piñas, Pasig, Muntinlupa, Mandaluyong, Valenzuela, Caloocan, Manila, at Pateros.

“The Court thus declares as invalid the common provision in the said traffic codes or ordinances of the LGUs in Metro Manila empowering each of them to issue OVRs to erring drivers and motorists,” ayon sa SC.

Batay sa Korte, naglabas na ang MMDA ng joint circular na nagpapatupad ng single ticketing system sa Metro Manila.

Samantala, sinabi ni Artes na sinisilip na ng MMDA ang posibleng implikasyon sakaling pagbawalan ang LGU traffic enforcers na mag-isyu ng ticket.

“Additional work lamang po in terms of deputization at pinag-aaralan din po namin yung ibang implications dahil may mga gaps naman po sa ticketing system at yung local traffic ordinance,” giit niya.

“”For example, hindi namin na-cover sa single ticketing yun pong franchise ng tricycle dahil ang nag-determine po niyan ay mga local government,” dagdag ng opisyal. RNT/SA

Previous articleJulio, inakalang mauuna pa kay Jaclyn!
Next articleMASTS tinapik ng PSC sa grassroots sports program sa Mindanao