Home ENTERTAINMENT Julio, inakalang mauuna pa kay Jaclyn!

Julio, inakalang mauuna pa kay Jaclyn!

Manila, Philippines- Aminado si Julio Diaz na “candidate” siya–to borrow his words–sa “larangan ng kamatayan.”

Laking gulat nga raw niya nang mabalitaang pumanaw na si Jaclyn Jose, kapwa niya talent sa pangangalaga ni Ed Instrella.

Pumanaw si Jaclyn umaga nitong March 2 sa kanyang tahanan.

Kapatid daw ang turing ni Julio kay Jane, palayaw ng aktres.

Humigit kumulang lampas sa isang dosena ang bilang ng mga pelikulang pinagsamahan nila.

Sa sobra ngang lungkot ng aktor ay binagabag daw ang kanyang isip nang malaman ang masakit na sinapit ng aktres.

Sa katunayan, he barely slept.

“Ako dapat ang nandyan, eh!” half-serious at half-joking na sabi ni Julio nang mainterbyu ng press sa burol ni Jaclyn.

Inamin ni Julio na siya raw itong maraming iniindang karamdaman.

Inisa-isa niya ang mga ‘yon, tulad ng dinanas niyang aneurysm, gall stones, ulcer, sakit sa puso at iba pa.

At 65, matatanggap daw niya ang kaloob ng Panginoon.

“Lahat naman tayo, doon papunta,” aniya.

‘Yun nga lang, may kahilingan si Julio bago mangyari ‘yon.

Nais niya raw masilayan ang kanyang magiging apo.

Beinte otso anyos na raw kasi ang kanyang anak pero wala pang asawa.

Asked what he’ll miss about Jaclyn, ‘yun daw ay ang pagkakaroon nila ng light conversations.

“Hindi kasi ako madramang tao, eh. Pag nag-uusap kami, cool lang. Chill-chill lang kami,” ani Julio.

Para sa aktor, si Jaclyn daw ang pinakamagaling na aktres.

Asked if muntik na ba silang magkainlaban at one point: “Hindi eh. Kamukha kasi siya ng sister ko, mestisa rin. Para lang talaga kaming magkapatid ni Jane!” Ronnie Carrasco III

Previous articlePH envoy sa Beijing pinauuwi ng Senado vs Chinese bullying sa WPS
Next articleMMDA: SC decision ‘di pa umiiral; LGUs pwede pang mag-isyu ng traffic violation tickets