Manila, Philippines – Ang entry nga ba ni Vice Ganda sa MMFF 2024 ay kinopya mula sa 1955 film nina Rogelio dela Rosa at Emma Alegre?
As far a certain celebrity lawyer is concerned, nang marinig daw niyang inanunsyo ang synopsis ng And The Breadwinner Is ay sure siyang kinopya raw ito sa pelikulang Higit sa Lahat.
Ang nasabing MMFF entry ay isa sa unang batch of five films na opisyal nang kalahok.
Mula sa direksyon ni Jun Lana, prodyus ito ng Star Cinema at IdeaFirst nina Jun at Perci Intalan.
Ayon sa MMDA at MMFF Chairman Don Artes, they will be looking into the lawyer’s comment, na sinang-ayunan naman ni Boots Anson-Roa na kabilang sa Selection Committee.
Ani Roa, may 33 plots daw to work around ang isang playwright kaya mahirap makilatis kung ang isang kuwento ba’y orihinal.
May mga adaptation din kasi o mga kuwentong inspired from.
Kung ang nasabing lawyer ang tatanungin, okey lang kung ang isang pelikula’y remake tulad ng Moises Padilla Story na pinagbidahan noon ni Anthony Alonzo.
Samantala, ayaw namang patulan ni Perci Intalan ang “intriga” sa pelikula nila.
Imagine, kay aga-aga ay “nag-jingay” na ang entry ni Vice Ganda?
Alam naman nating ni minsan ay hindi nangulelat ang mga festival entries ng Unkaboggable Star.
And by the way, hindi ba’t number 1 critic ng TV host-comedienne ang celebrity lawyer na minsan nang nagsabing “walang katuturan” ang mga pelikula nito?
Hindi kaya lalo lang maging curious ang tao para panoorin ang entry ni Vice Ganda? Ronnie Carrasco III