Home NATIONWIDE AFP umaasa sa SONA ni PBBM sa pagtalakay sa nat’l defense initiatives

AFP umaasa sa SONA ni PBBM sa pagtalakay sa nat’l defense initiatives

120
0

MANILA, Philippines – Umaasa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na babanggitin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga hakbang para palakasin ang national security and defense efforts sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (Sona) nitong Lunes, Hulyo 22.

“We are anticipating that he will give updates on ongoing initiatives on our current national priorities, and it is reasonable to anticipate many key themes, and we are anticipating that it includes efforts to bolster national security and enhance defense capabilities,” pahayag ni AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla sa panayam sa radio.

Sa kabila nito, kinilala naman ni Padilla ang suporta ng Pangulo sa mga ginagawa ng military.

Dagdag pa, umaasa rin umano ang AFP na babanggitin ng Pangulo ang pag-usad ng nagpapatuloy na military modernization program at ang paglipat ng military patungong territorial defense operations.

Nilinaw ni Padilla na ang shift na ito ay upang kontrahin ang posibleng pananakop at pagtutok sa mga pagsubok sa loob ng bansa.

Ang tinutukoy niya ay ang Comprehensive Archipelagic Defense Concept, na nananawagan sa AFP na depensahan ang malawak na teritoryo ng bansa mula sa lahat ng uri ng banta. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here