MANILA, Philippines – Bumaba ang poverty rate ng bansa sa 15.5 percent noong 2023 mula sa 18.1 percent noong 2021, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Lunes, Hulyo 22.
Sa preliminary data mula sa PSA, Nakita na bumaba sa 17.54 milyon ang mahihirap na populasyon mula sa 19.99 milyon.
Ang poverty rate ay isang statistical measure na sumusuri sa proportion ng populasyon na ang sahod ay mababa sa per capita poverty threshold.
Bumaba naman sa 4.3 percent mula sa 5.9 percent dalawang taon na ang nakalilipas, ang subsistence incidence, o “share of the total population with per capita income” na mas mababa sa per capita food threshold.
Dahil dito ay nasa 4.84 milyon ang tinatayang bilang ng mga Filipino na ang sahod ay hindi sapat para makabili ng basic food needs, mas mababa sa 6.55 milyon noong 2021. RNT/JGC