Home NATIONWIDE Angara kailangan ng tulong sa pagtugon sa education problems

Angara kailangan ng tulong sa pagtugon sa education problems

MANILA, Philippines – Nanawagan si bagong Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara nitong Lunes, Hulyo 22 sa mga opisyal at empleyado ng kagawaran na tulungan siya sa pagtugon sa mga problema sa basic education.

Sa kauna-unahang flag-raising ceremony niya bilang DepEd chief, sinabi ni Angara sa lahat ng DepEd personnel na magkaroon g “constructive dialogue and come up with solutions soon” kasama siya.

“Unang una hihingi ako ng tulong po sa inyo, ladies and gentlemen, dahil hindi ko kaya itong mag-isa. Many [problems] are decades-old, have historical origins, so ang importante diyan unawain natin ang mga problema. Intindihin natin,” ani Angara.

“Mag-usap tayo [Let’s talk]. Let’s have a constructive dialogue and let’s come up with solutions soon dahil the President is really awaiting results dito sa atin [from us],” dagdag pa ng Kalihim.

Aniya, kabilang sa marching orders ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay ang pagbibigay prayoridad sa mga guro at pagpapataas sa kalidad ng edukasyon sa bansa.

Dagdag pa rito, nais din ni Angara na pagbutihin ang performance ng mga estudyanteng Filipino sa national at international assessments.

“Quite frankly, it’s become an embarrassment for us. It’s become a national embarrassment. Wala akong sinisisi dito. Sinasabi ko lang na kung gusto nating resolbahin ito ay kailangan magsama-sama tayo,” ani Angara.

“We must put our best thoughts, our best intentions, and our best actions together to achieve the best results,” dagdag ng DepEd chief.

Opisyal nang nanungkulan bilang Kalihim ng DepEd si Angara noong Hulyo 18, 2024 kapalit ni Vice President Sara Duterte. RNT/JGC