Home ENTERTAINMENT Bini Sheena, na-bash ng fans ni Sarah!

Bini Sheena, na-bash ng fans ni Sarah!

337
0

Manila, Philippines – Beast mode ang mga loyal fans ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo dahil sa maling pagtawag sa kanya ng isa sa mga miyembro ng BINI.

Kaliwa’t kanang pamba-bash ang ipinatitikim ngayon ng mga fans ni Sarah kay Sheena Catacutan.

Ito’y matapos magpost si Sheena ng larawan nila ni Sarah sa social media.

Ipinagngitngit ng mga fans ang caption ni Sheena referring to Sarah as “my mother.”

Sa comment section ay kinuyog si Sheena sa tila “inosenteng” caption.

llan sa mga komento ng mga ito’y: “Lakas ng loob mo, gurl, ng mukha mo!”

“Sarah is more pretty, mestiza lang siya!”

“Wala pa ngang anak, mother na agad?!”

“Kung tutuusin, mas mukha ka pa ngang matanda!”

“Hindi ba puwedeng twin sistah?”

“Ang layo ng itsura mo para tawagin siyang mother mo!”

Baka kasi ang nais ipakahulugan ni Sheena is that she considers Sarah as her “mother” who she treats with utmost respect and looks up to her as a singer.

Tiyak na maging si Sarah’y hindi na-offend sa caption ni Sheena.

Posible ring close ang dalawa to the point that they joke each other. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here