Home ENTERTAINMENT MMK, magbabalik sa TV!

MMK, magbabalik sa TV!

326
0

Manila, Philippines- Tiyak na ikatutuwa ng milyun-milyong viewers ang maugong na balitang magbabalik ang Maaalaala

Mo Kaya sa telebisyon.

Ang MMK ay ang longest running drama anthology sa buong Asya.

Umere ito sa ABS-CBN mula May 15, 1991 hanggang December 10, 2022.

Kilala ang MMK sa nagsilbing narrator nito na si Charo Santos-Concio, who had served one over the past 31 years.

Kilala rin ang MMK dahil sa catchy one-word episode title nito na may kaugnayan sa kuwento mula sa letter sender.

Karaniwang “tangible object” ang ginagamit na pamagat sa bawat episode.

‘Yun nga lang, MMK won’t air on ABS-CBN once it returns kundi sa TV5.

Matatandaang may himig ng optimism ang mensahe ni Charo nang magpaalam sa ere ang MMK.

Aniya, kung muling eere ito’y hindi siya magdadalawang-isip na tanggaping muli ang kanyang papel bilang narrator.

Katwiran ni Charo, hindi pa nga raw sapat ‘yon para pasalamatan ang lahat ng mga tumangkilik sa MMK.

Ang katapat ng MMK ay Magpakailanman sa GMA kung saan ang news anchor na si Mel Tiangco ang narrator.

Between the two, ‘di hamak na milya-milya ang layo ng MMK sa MPK. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here