Home NATIONWIDE Mocha sinita ng Comelec sa ‘sexually suggestive’ campaign jingle

Mocha sinita ng Comelec sa ‘sexually suggestive’ campaign jingle

MANILA, Philippines- Nakipag-ugnayan ang Commission on Elections (Comelec) kay Manila City Councilor bet Margaux “Mocha” Uson dahil sa kanyang ‘sexually suggestive’ campaign jingle.

Sa isang liham kay Uson na nilagdaan ni Comelec George Garcia, sinabi ng poll body na bagama’t ang mga political campaign ay kadalasang naglalayong makuha ang atensyon at hikayatain ang mga botante, dapat ang mensahe ay direkta sa punto.

Ang tinutukoy ng Comelec na campaign jingle ni Uson ay ang “Cookie ni Mocha, ang sarap sarap” at “Ang cookie ni Mocha, bawat kagat, may malasakit at saya.”

Ayon sa Comelec, ang mga ‘sexually suggestive’ campaign jingle ay maaaring makabawas sa mga seryosong talakayan na kailangang gawin tungkol sa patakaran, pamamahla at kinabukasan ng mga komunidad.

Samantala, nilinaw ng Comelec na hindi nito hinahamak ang plataporma ng kampanya ni Uson ngunit hinikayat siya na magkaroon ng naangkop sa edad na jingle. Jocelyn Tabangcura-Domenden