MANILA, Philippines- Nanawagan si Vice President Sara Duterte ngayong Araw ng Kagitingan (Day of Valor) sa mga Pilipino na harapin ang mga hamon sa bansa nang may paniniwala sa kanilang sariling kapangyarihan na makalikha ng pagbabago.
Inihayag ito ni Duterte sa pagbibigay niya sa mga Pilipinong nakipaglaban sa Battle of Bataan noong World War II.
Tinawag niya ang labanang ito bilang “important page” ng kasaysayan ng bansa na nagsisilbing paalala sa katapangan at kabayanihan ng mga Pilipino sa gitna ng karahasan at panggigipit.
“Ipagdiwang natin ang kanilang alaala sa pamamagitan ng pagtatag ng isang bansang kailanma’y hindi na muling daranas ng gayong pagdurusa,” pahayag ni Duterte.
“Sa ating pagmamahal sa bayan at pananalig sa Diyos, harapin natin ang mga hamon, taglay ang paniniwalang nasa atin ang kapangyarihan para sa pagbabago at mas magandang bukas,” dagdag niya.
Inihayag din niya ang pag-asang magpapatuloy ang kabayanihang ipinakita sa Battle of Bataan, upang magsilbing inspirasyon sa gitna ng mga kinahaharap na pagsubok ng bansa. RNT/SA