Home METRO Mock polls umarangkada sa Tawi-Tawi; ginamit na ACM nagka-aberya

Mock polls umarangkada sa Tawi-Tawi; ginamit na ACM nagka-aberya

MANILA, Philippines- Nagkaroon ng ‘minor glitch’ habang ginagamit ang automated counting machine (ACM), na dinala ng Commission on Elections  sa Tawi-Tawi para sa public demonstration at voter’s education, dahil sa power interruption.

Sa kabila nito, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na ang “glitch” ay hindi makaaapekto sa actual counting at transmission ng boto.

Ayon kay Garcia, layon ng pagsasagawa ng public demonstration na matukoy ang mga kahinaan ng mga makina bago ang midterm election sa susunod na taon upang makapaghanda sila ng mga solusyon nang maaga.

Ipinaliwanag ni Garcia na ang voting machine ay mayroon ding external batteries at hindi maapektuhan ng power interruption ang operasyon sa halalan.

Sinabi ni Garcia na tulad ng cellphone, ang voting machines ay kailangang i-reboot para masimulan ang pagkilala sa mga balota kapag may mga aberya. 

Sinabi ni Garcia na makukumpleto sa Agosto ang customization ng lahat ng kagamitan, kabilang ang mga voting machine, gayundin ang mga pasilidad.

Ayon pa kay Garcia, na nais ng komisyong dalhin ang ACMs sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa voter’s education at demonstration. Jocelyn Tabangcura-Domenden