Home METRO NBI, SEC sanib-pwersa vs Ponzi-scheme investment ops sa Zambo City

NBI, SEC sanib-pwersa vs Ponzi-scheme investment ops sa Zambo City

MANILA, Philippines- Magkatuwang ang National Bureau of Investigation (NBI) at Securities and Exchange Commission (SEC) sa entrapment operation upang maaresto ang dalawang indibidwal na umano’y sangkot sa Ponzi-scheme investment sa Pagadian, Zamboanga City.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, sinabi ni Joey Moran na inaresto ng mga operatiba ng ahensya sina Bernadeth Albaravun at John Mark Pineda matapos silang magsara ng deal sa isang poseur investor sa isang coffee shop sa Sta.Lucia district.

Ikinasa ng NBI at SEC ang operasyon kasunod ng reklamo na inihain ng 14 investors nang mabigo ang kompanya na ibigay ang ipinangakong 35 hanggang 50 porsyetong interes ng kanilang investments at ang pangakong freebies kabilang ang iPhone, single motor at sasakyan, ayon kay NBI Agent Leonardo Carpizo.

Ito ang nag-udyok sa NBI na bumuo ng kaso.

Ayon sa NBI, lumalabas na hindi awtorisado ang dalawa na mag-solocit ng investment sa publiko kaya nakipag-ugnayan ang ahensya sa DEC at nagsagawa ng operasyon .

Sinabi ni Ignacio na ang grupo ay unang gumamit ng company name na Skyline Trading  para sa operasyon, saka pinalitan ang pangalan sa Hybrid Trading at kalaunan ay Neon Marketing na may parehong tao na nagpapatakbo.

Ginagamit ng operators ang Messenger application upang manloko ng investors na kasunod ang face-to-face meeting para sa paglipat ng cash investments o pagsasagawa ng business transaction online, ayon sa NBI. 

Umabot aniya ang investment range mula P200,000 hanggang milyon.

Inaasahan ni Moran na marami pang investors ang maghahain ng reklamo laban sa kompanya dahil ang operasyon ay nagmula pa noong Abril ng nakaraang taon.

Sinabi ni Atty.Rona Santos, legal counsel ng SEC extension office na naglabas na ito ng abiso kasunod ng kanilang imbestigasyon sa operasyon ng Skyline Crypto at Dry Goods Trading na nagsimula naman noong Abril ng kasalukuyang taon.

Sinabi rin ni Santos na ang operator ng Neon Marketing ay kinilalang si John Paul Lopez na kabilang sa natukoy na operator ng Silver Lion Livestock Trading na sinalakay ng NBI at SEC sa Zamboanga City noong 2022.

Ang operasyon sa Pagadian City ay may kaparehong modus operandi tulad ng sa Zamboanga City, base kay Santos.

Wala ring physical office sa Pagadian ang kompanya at nagsasagawa lamang ng online transactions at saka inaayos kung paano mag-deposito ang investors ng kanilang investment– ito ay maaring face-to-face o sa pamamagitan ng online fund transfer.

Sinabi ni Carpizo na si Pineda, isa sa mga naarestong suspek, ay nangungupahan lamang ng kwarto sa isang local inn sa Pagadian habang si Albaracin ay residente. Jocelyn Tabangcura-Domenden