Home NATIONWIDE P27B unpaid HEA baka ‘lip service’ lang? – private hospitals

P27B unpaid HEA baka ‘lip service’ lang? – private hospitals

MANILA, Philippines- Nagpahayag ng pag-asa ang United Private Hospital Unions of the Philippines (UPHUP) na hindi lamang “lip service” ang plano ng Department of Health (DOH) na ayusin ang unpaid health emergency allowance (HEA).

Sinabi ni UPHUP spokesperson Richie Ronald Ignacio na nasorpresa sila sa anunsyo  ni  Health Secretary Ted Herbosa hinggil  sa planong paglalaan ng P27 bilyon ngayong taon para sa allowance ng health workers.

Pahayag ni Ignacio, ito ay “welcome development” sa healthcare workers lalo na sa mga pribadong hospital.

Gayunman, binigyang-diin niya na hindi niya gustong maging “party pooper,” ngunit pagkatapos ng lahat ng mga pahayag mula sa mga ahensya ng gobyerno tungkol sa pagpapalabas ng HEA, napagtanto nilang may punto ang mga ito.

Umaasa ang healthcare workers tungkol sa kamakailang anunsyo ng paglalaan ng P27 bilyon na hindi lamang ito isang “lip service” mula sa mga ahensya ng gobyerno.

Ipinunto ni Ignacio  na posibleng may kinalaman itosa State of the Nation Address (SONA) at sa nalalapit na halalan.

“That’s what we fear that we, healthcare workers might just be given false hope again,” giit ni Ignacio.

Sa special pre-SONA noong Hulyo 3, sinabi ni Herbosa na ang gobyerno ay maglalabas ng P27 bilyon upang mabayaran ang COVID allowances para sa health workers sa buong bansa hanggang sa pagtatapos ng 2024. Jocelyn Tabangcura-Domenden