Home NATIONWIDE Modernong fish port complex, mas matatag na suporta sa sektor ng pangisdaan...

Modernong fish port complex, mas matatag na suporta sa sektor ng pangisdaan sa bansa, ipinangako ni PBBM

1
0

MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng fish port infrastructure sa bansa, inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) na ipagpatuloy ang rehabilitasyon at modernisasyon ng mga fish port complex sa buong bansa upang mapalakas ang kapasidad ng mga pantalan, mapabilis ang pagdadala ng mga produktong-dagat sa pamilihan, at mapanatili ang kalidad at abot-kayang pagkain.

Kaugnay nito, ininspeksyon ni Pangulong Marcos, araw ng Huwebes, Hulyo 30, ang rehabilitated Sual Fish Port Complex sa Pangasinan, ang tanging regional fish port sa Northern Luzon.

Ang rehabilitasyon at modernisasyon ng Sual Fish Port Complex ay naging daan para sa mga bago at pinahusay na pasilidad, kabilang ang fish processing at cold storage facilities, multi-purpose pier, commercial building, at mga access road.

Inaasahang mababawasan nito ang post-harvest losses, mapapalawak ang access ng mga mangingisda sa merkado, at masisiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng dekalidad at abot-kayang isda.

Pinatunayan din ni Pangulong Marcos ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa mga mangingisda sa pamamagitan ng kanyang pagbisita sa mga tripulante ng BFAR vessels na kamakailan ay hinarang at binomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa Bajo de Masinloc, bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at katatagan sa pangangalaga ng ating karagatan at kabuhayan. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here