Home IN PHOTOS Pagkalugi sa sistema ng kuryente, sinuri sa Senado

Pagkalugi sa sistema ng kuryente, sinuri sa Senado

1
0

Pinangunahan ni Senator Erwin Tulfo, kasama sina Senators Risa Hontiveros, JV Ejercito, at Senate President Win Gatchalian, ang isang joint Senate hearing nitong Huwebes, Hulyo 30, upang suriin ang mga pagkalugi sa sistema ng kuryente at ang epekto nito sa mga konsyumer.

Idinaos sa Senado sa Pasay City, tinalakay din sa pagdinig ang mga panukalang reporma sa sektor ng enerhiya, kabilang ang mga amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), mga hakbang upang palakasin ang Energy Regulatory Commission (ERC), at mga panukalang limitahan ang cross-ownership sa pagitan ng mga kumpanya sa paggawa ng kuryente (power generation companies) at mga kumpanyang namamahagi nito (distribution utilities).

Dumalo sa pagdinig sina ERC Chairperson at CEO Francis Saturnino Juan, kasama ang iba pang opisyal ng gobyerno at mga kinatawan ng industriya. CESAR MORALES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here