Home METRO Modernong fishport sa Bataan, binuksan

Modernong fishport sa Bataan, binuksan

38
0

BATAAN, Philippines – Bilang Kilalang Seafood Capital ng lalawigang ito. Pormal ng binuksan sa publiko ang isang modernong Orani Fish Landing and Trading Facility sa Bayan ng Orani.

Mula sa pagiging lumang pasilidad ay nagawa itong maging moderno ito kung saan nagtataglay ng mas maluwag, maaliwalas at maayos na higit na magiging konbiyente bilang sentro ng kalakalan ng mga yamang dagat, gaya na lamang ng ipinagmamalaking “Alimango at Sugpo” sa bayan ng Orani at mga karatig lugar o bayan sa Bataan.

Ayon kay Orani Town Mayor Jon Arizapa, ang naturang bago at modernong pasilidad ay hudyat ng isang masiglang kalakalan, dahil higit na magiging kaaya-ayang mamili rito ng iba’t-ibang uri ng mga sariwang isda at yamang dagat, seafoods na sadyang hango at sariwang ani mula sa mga fish pond sa Bataan at karatig na lalawigan. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here