Home METRO Modular learning kinokonsidera ng Iriga City sa matinding init

Modular learning kinokonsidera ng Iriga City sa matinding init

MANILA, Philippines- Sa gitna ng matinding init, sinisilip ng Schools Division Office sa Iriga City ang paggamit ng modular learning upang tugunan ang mga hamong dulot ng umiiral na weather conditions.

Noong nakaraang taon, pinayagan ng Department of Education’s Schools Division Office sa Iriga City ang paggamit ng modular learning bilang tugon sa health concerns dulot ng mataas na temperatura.

Kasalukuyang binubusisi ng opisina ang approach na ito para sa kasalukuyang taon, kung kinakailangan.

“Pigde-determine man iyan base sa declaration kang PAGASA. Kung mainit o bako siyang mainit. Kung normal lang ang panahon, mabalik ang mga aki sa classroom. Pero kapag medyo mainit and kaipuhan na mag-declare ang school head provided na may pagkaaram ang SDS,”  pahayag ni Noel Panga, Division Information Officer sa SDO Iriga City.

Bukod sa pagtitiyak ng kalidad ng edukasyon, isinasaalang-alang din ng Department of Education (DepEd) ang kapakanan ng mga estudyante. RNT/SA

Previous article$1.53B investments naselyuhan ng PH, Australia – DTI
Next articleWalang nanalo sa major lotto draws – PCSO