Home HOME BANNER STORY $1.53B investments naselyuhan ng PH, Australia – DTI

$1.53B investments naselyuhan ng PH, Australia – DTI

MELBOURNE, Australia- May kabuuang $1.53 bilyong investment ang naselyuhan sa pagitan ng Pilipinas at Australia sa sidelines ng ASEAN-Australia Special Summit, ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual nitong Lunes.

Inanunsyo ito ni Pascual sa Philippine Business Forum dito.

Dumating si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at kanyang delegasyon sa Australia nitong Linggo upang makilahok sa ASEAN-Australia Special Summit.

Sa kanyang departure speech, sinabi ni Marcos na ginugunita ng Summit ang 50 taon ng ASEAN-Australia relations mula sa imbitasyon ni Australian Prime Minister Anthony Albanese.

Sa sidelines ng Summit, inihayag ni Marcos na magsasagawa siya ng bilateral meetings sa Prime Ministers ngCambodia at New Zealand upang palakasin ang kooperasyon sa mga bansang ito.

Nakatakda rin siyang makipagkita sa Filipino community sa Melbourne, at isulong ang Philippine business sa pamamagitan ng Philippine Business Forum sa pangunguna ng Department of Trade and Industry (DTI). RNT/SA

Previous articleLiza, may next Hollywood project na, sa Pinas kukunan!
Next articleModular learning kinokonsidera ng Iriga City sa matinding init