Home ENTERTAINMENT Liza, may next Hollywood project na, sa Pinas kukunan!

Liza, may next Hollywood project na, sa Pinas kukunan!

Manila, Philippines – Big deal para mismo kay Liza Soberano ang pag-attend for the first time ng 30th Screen Actors Guild (SAG) Awards kamakailan.

Idinaos ito sa Shrine Auditorium and Expo Hall sa Los Angeles, California.

As we all know, nagmiyembro ng unyon doon si Liza.

Patunay nga na sa kabila ng unrest among film workers abroad, nakuha pang um-attend ni Liza ng Hollywood premiere ng Lisa Frankenstein last February 5.

On attending the SAG Awards, ani Liza’y resulta raw ‘yon ng kanyang hard work “to get there.”

Hindi nga magkamayaw ang mga photographers kapipitik ng kanilang mga camera para makunan si Liza.

“It’s like magic!” paglalarawan nga ng aktres who left the country to pursue her great Hollywood dream.

After her maiden Hollywood project ay may kasunod na raw ito.

‘Yun nga lang, Liza is not at liberty to make any disclosure about the details of her next international project.

The only hint she gave ay US-based production daw ito na ang shoot ay magaganap dito sa Pilipinas.

May “mukha” naman palang ihaharap si Liza sa mga nagsasabing “nganga” siya sa pagkamit ng kanyang Hollywood dream.

Hayan na nga at may pruweba that her efforts have not gone in vain.

Still, there’s one more Liza has yet to accomplish.

Matatandaan kasi na ang kanyang ultimate goal is to be able to land a behind-the-scene job, meaning, to stay in front of the camera is not her wish forever.

Samantala, lack of time to spend together lang ang kulang ng nobyo pa rin niyang si Enrique Gil.

Yes, she and Quen never broke up taliwas sa iniulat ng isang entertainment portal more than a month ago, which claimed na mas nauna pa raw nabuwag ang kanilang relasyon kesa sa KathNiel. Ronnie Carrasco III

Previous articleResulta ng imbestigasyon sa ‘improper sale’ ng NFA rice ilalabas sa lalong madaling panahon – DA
Next article$1.53B investments naselyuhan ng PH, Australia – DTI