Manila, Philippines – Hindi naiwasang okrayin ng bashers ang naging special participation ni Moira dela Torre sa day 1 ng concert ng kilalang American pop bandna LANY na ginanap kamakailan sa Philippine Arena.
Nang makipag-duet si Moira sa lead vocalist ng band na si Paul Klein, umani ito ng samu’t-saring reaksyon sa mga katikatera at sawsawera.
Hirit ng ilan, nagkalat daw ang biritera dahil hindi nito kabisado ang lyrics ng kinanta.
Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Parang nawala cia sa lyrics, dinaan sa ngiti me video pa ako lol.”
“Wala ako marinig sa kanta nya hahahahaha, mas MALAKAS pa music.”
“Inantok or nakatulog.”
“Si mareng Moira hindi nagkabisa ng lyrics HAHAHA.”
“Si Moira nga hindi kabisado ung kanta, kami pa hindi kilala yan.”
“Sabi na medyo sablay e… mukang hindi nag-rehearse si te Moira.”
“Cancelled yung concert kaya sa LANY nalang HAHA. Mabuti di nasira energy ng crowd. eme.”
“Nanjan kame kanina di nya kabisado yung song. Masyado din mataas para sa style of singing nya.”