Home ENTERTAINMENT Cianne, pinatutsadahan dawni Mommy Grace, na-‘Wow Mali’!

Cianne, pinatutsadahan dawni Mommy Grace, na-‘Wow Mali’!

1
0

Manila, Philippines – Umani ng samu’t-saring reaksyon sa mga katikatera at sawsawera ang naging FB post ng social media personality na si Mommy Grace, nanay ng Kapuso actor na si Miguel Tanfelix.

May patutsada kasi ito: “Di kagandahan pero pintasera.”

Timing naman na sa kanyang post ay mainit-init na isyu ang tungkol sa sinabi ni Cianne Dominguez sa PBB housemate na si Jeo Ong daw ay mabaho ang hininga, dahilan para ma-bash ang una.

Dahil sa kanyang emote, ipinagpapalagay ng kibitzers na pinapatutsadahan ni Mommy Grace si Cianne.

Sa comment section din ay may mga bumanggit mismo sa pangalan ni Cianne.

Ilan sa mga komento ay ang sumusunod.

“TAPOS AMOY TUKPO.”

“Pati si Mommy Grace na stressed na din.”

“Si Cianbak ba yun?”

“Nanonood ka din ba Ng PBB mommy grace hahahahah.”

“Yung nasa loob ng bahay po ba ito?”

“Si Cianne at Shea ba ito mami grace? HAHHAHAHA.”

“Yung may anghit ba?”

“Pabulong naman mommy, sino ba yan?”

Two days after nu’n ay may followup post ang nanay ni Miguel kung saan inabswelto niya si Cianne.

Sey niya: “Hindi po ako nakakapanood ng PBB”

Nag-react din ang mga netizen tungkol dito.

Ito ang ilang reaksyon sa pag-abswelto niya kay Cianne.

“Mommy Grace Tanfelix hndi moh poh kailangan magpaliwanag, problema nila un sinalo nila.”

“Wow Mali kayo.”

“Akala nila haters ka.”

“Naissue pa nga si Mommy Grace Tanfelix.”

“Sino po yung di kagandahan.”

“Sampal sa mukha ng mga Assumerang Palaka.”

“Di naman pala para sa kanya yun.”

“Assuming yan sila, busy si momy grace sa kitchen ngani.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here