Vancouver, Canada – Kumukulo pa rin ba ang dugo ng ilang mga kapwa artists kay Moira de la Torre partikular ang mga dating nakasama sa Cornerstone Entertainment?
Naiulat kasing marami ang nakikisimpatya kay Moira nang malamang dinedma’t hindi man lang siya pinansin ng mga nakasama niyang performers sa ASAP Vancouver.
Matagal nang wala ang singer-songwriter sa nasabing programa, pero dahil ni-request siya ng marami nating kababayan ay naka-join siya.
Ayon sa ulat, hindi lang sa rehearsal kundi sa mismong gabi ng pagtatanghal ay parang hindi nag-e-exist si Moira sa kanyang mga kasamahan.
Duda ng mga nakasaksi–epekto ito ng pag-aaklas ng mga dating co-artists ni Moira sa Cornerstone ni Erickson Raymundo.
Tandang-tanda pa rin daw ng mga ito ang “pag-a-attitude” ni Moira, dahilan para bitawan siya ng naturang management agency.
Kabilang na rito ay ang pambubuyo umano ni Moira sa isang road manager na sumama sa kanyang pag-alis.
Bukod ito sa isyu niya kina Sam Milby, Catriona Gray–at maging kay Regine Velasquez.
Dahil feeling outcast, nagpa-transfer daw si Moira sa ibang hotel.
Pinayuhan naman si Moira to make amends she has had bad blood with sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga ito para magkapaliwanagan.
But let’s face it–wala nang pinakamasakit pa kundi ang magkampihan ang mga kaaway mo!