Home NATIONWIDE PH submarine program handang suportahan ng Korean firm – Palasyo

PH submarine program handang suportahan ng Korean firm – Palasyo

293
0

MANILA, Philippines – Nakipagkita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Sabado, Nobyembre 1 sa shipbuilding giant na Hanwha Ocean para pag-usapan ang plano para sa submarine program ng Philippine Navy.

Ayon sa Presidential Communications Office, susuportahan ng Hanwha Ocean ang konstruksyon ng isang submarine base at pagtatayo ng local maintenance, repair, at overhaul (MRO) center, maging ang pagsasanay sa mga naval operators, maintainers, at commanders gamit ang advanced simulators at mga sistema.

Sinabi ng mga opisyal ng Hanwha Ocean sa Pangulo ang kanilang plano para sa deployment ng KSS-III PN submarines na equipped ng modern sonar at combat systems at lithium-ion batteries para sa mas matagal na underwater endurance, kasama ang technology transfer at partnerships sa mga lokal na industriya para paunlarin ang self-reliant defense capability ng Pilipinas. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here