Home ENTERTAINMENT Mommy Inday, naaksidente, ayos na!

Mommy Inday, naaksidente, ayos na!

Manila, Philippines – Walang pag-aalinlangang dininig ng nasa Itaas ang inihinging panalangin ni JJ Barretto para sa kanilang inang si Mommy Inday.

Si JJ ang kapatid na lalaki nina Gretchen, Marjorie at Claudine.

Nito kasing March 10 ay aksidenteng nahulog hallway ang 87 anyos na Barretto matriarch mula sa escalator sa isang shopping mall sa Taguig City.

Ipinost ni JJ ang larawan ng ina na nagtamo ng mga galos sa braso.

Hindi na nagdalawang-isip ang pamilya na i-confine si Mommy Inday sa pinakamalapit na ospital.

Kinabukasan ay tila maayos na ang kalagayan ng showbiz mom base sa naka-post na larawan kung saan nagse-cellphone na siya.

May larawan ding kuha si Mommy Inday sa ospital kasama ang ibang mga anak na sina Mito at Michelle.

Magsilbing babala sana ang karanasan ni Mommy Inday lalung-lalo na sa mga senior citizen na dumaranas ng problema sa kanilang balanse.

Bukod sa ibayong pag-lingat, mas mainam na may kasama ang mga tulad ni Mommy Barretto sa mga matataong lugar tulad ng shopping mall para alalayan sila.

Habang sinusulat ito’y wala pang reaksyon mula sa alinman sa mga Barretto sisters.

Pero tiyak na ganoon na lang ang pag-aalala nina Gretchen, Marjorie at Claudine. Ronnie Carrasco III

Previous articleAwareness campaign sa ‘shingles’ inilunsad
Next articlePNP nagbabala vs dumaraming ‘hijack profile’ cases