Manila, Philippines – Espantaho ang last year’s entry ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonzo sa Metro Manila Film Festival.
Kasosyo nito ang mismong bida ng pelikula, si Judy Ann Santos.
This year, in her own words ay “nakabudol” na naman daw ang lady producer sa katauhan naman ni Mommy Min Bernardo.
Of course, the world knows she’s the mom of Kathryn.
Kuwento ni Alonzo, binasa lang daw ni Mommy Min ang script after which she said “yes” to co-producing the Angelica Panganiban-Zanjoe Marudo entry.
“Nabudol ko siya,” the lady producer expressed jokingly.
Para sa kaalaman ng lahat, ang kuwento ng Unmarry ay batay sa mga annulment cases na hinawakan ni Alonzo mula 2022 at ang impact ng mga ito sa mga anak ng annulled couples.
Hindi nagpahaging si Alonzo kung magkano more or less ang bakas ni Mommy Min sa Unmarry.
‘Yung lagay na ‘yan, eh, hindi pa bida ang kanyang anak–kaya how much more?
In last year’s MMFF, tinanghal na Best Actress si Judy Ann–mukhang malaki rin ang laban ni Angelica sa nasabing kategorya.
Come to think of it, doesn’t Mommy Min wish her daughter Kathryn also had an entry?
Ang tanong–babagay naman kaya ang role ni Angelica sa Unmarry?