Home METRO ‘Money tree’ lighting sa Manila Chinatown pinangunahan ni Mayor Honey

‘Money tree’ lighting sa Manila Chinatown pinangunahan ni Mayor Honey

MANILA, Philippines – BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-430 taon anibersaryo ng Manila Chinatown at pagsisimula ng selebrasyon sa nalalapit na 2024 Chinese New Year, pinangunahan ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang ginanap na ceremonial lighting at unveiling ng prosperity tree nitong Huwebes ng gabi sa Plaza San Lorenzo Ruiz sa Binondo.

Kasama ni Mayor Honey sa nabanggit na Prosperity Tree lighting, sina City Administrator Bernardito Ang, District 3 Congressman Atty. Joel Chua, mga konsehal ng ikatlong distrito at Manila Chinatown Development Council Executive Director Willord Chua.

Sa talumpati ng alkalde, sinabi nito na ang selebrasyon sa pagsalubong sa Year of the Wooden Dragon Chinese New Year ay isang makabuluhang kaganapan na ipinagdiriwang sa lungsod na kapitolyo ng bansa.

“The centuries old relationship between Chinese and Filipinos can be traced back since early part of the 10th century. In fact, we are celebrating the 430th year of Manila Chinatown better known as Binondo, the recognized oldest Chinatown in the world,” pahayag pa ng alkalde sa kanyang maikling talumpati.

Hinikayat din ng alkalde ang publiko na bumisita at pumasyal sa Binondo para na rin masaksihan ang mga gaganaping aktibidad, kabilang ang fireworks display bilang countdown sa Pebrero 9 at ang solidarity parade kinabukasan dakong alas-2:30 ng hapon na magmumula sa Manila Post Office.

Kabilang din sa mga dumalo sa kaganapan sina Ms. Sharlene Zabala-Batin. Director ng Department of Tourism-National Capital Region (DOT-NCR), iba’t ibang organisasyon ng Filipino-Chinese at mga opisyal ng barangay sa Binondo at San Nicolas. JAY Reyes

Previous articlePinas bukas sa usaping human rights
Next articleFake account ni Kylie, panira kay Aljur!