Home ENTERTAINMENT Fake account ni Kylie, panira kay Aljur!

Fake account ni Kylie, panira kay Aljur!

Manila, Philippines – Kung kilala ng karamihan si Kylie Padilla, she’s not the type who badmouths anybody, and this includes Aljur Abrebica.

Naglipana kasi sa social media ang fake o dummy account ni Kylie.

May himig ng panunumbat ang post nito laban sa dating karelasyon at ama ng kanilang anak na sina Alas at Axl.

Narito ang sample na post: “Pogi ka nga, hindi ka naman nagsusustento sa mga anak mo!”

Dagdag pang post: “Kung ano ang inilaki ng katawan mo, siyang liit ng utak mo!”

It’s least likely na ang mga ganoong post would come from Kylie.

Anyway, “family” ang peg minus Aljur ang naging selebrasyon ng 31st birthday ni Kylie.

She brought her sons sa mala-eco park para mag-camp.

They pitched a tent adorned with balloons na may “happy birthday, Kylie!” greetings.

A video showed Alas and Axl swimming in the river at nagbi-videoke singing to their mom.

Setting up a bonfire made their bonding special. Ronnie Carrasco III