Home ENTERTAINMENT Monggo dish ni Heart, nag-trending!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Monggo dish ni Heart, nag-trending!September 23, 2024 14:021030 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Trending na naman ang pangangabog ni Heart Evangelista.Hindi ‘yon dahil sa kanyang branded OOTD.Neither is it about her pet animals and their pricey accessories.Ano?It’s about Heart’s monggo dish.Una, ikinagulat ng mga netizens na kumakain daw pala ang misis ni Senate President Chiz Escudero ng ginisang monggo.Eh, bakit naman hindi? Pag naturingan bang sosyal, hindi na kumakain ng ganoon?Pero ang talagang ikinagulat ng mga netizens ay kung ano ang pinaglalagyan ng kanyang monggo dish.Isang Hermes Passifolia soup plate lang naman ‘yon na nagkakahalaga ng US$270 • P15,089!As usual, there go the netizens again na pakiramdam nila’y sinampal na naman sila ng kahirapan.Ang iba nama’y naaawa sa maghuhugas ng pinaglagyan ng ginisang monggo ni Heart.Any moment daw ay baka mabasag ng kasambahay!If ever, kawawa naman daw ito dahil mas mahal pa ang soup plate kesa sa buwanang sahod niya!Still others expectedly praise Heart dahil sa pagiging consistent sosyalera nito. Ronnie Carrasco III