MANILA, Philippines – Matapos libreng gamitin mula nang magbukas noong Hunyo, sisimulan na ng Manila Cavite Expressway (CAVITEX) ang paniningil sa mga motorista gamit ang CAVITEX C5 Link, ayon sa operator nitong Lunes, Setyembre 23.
Sa Facebook page nito, sinabi ng CAVITEX na ang mga sumusunod na toll rates ay sisingilin na sa CAVITEX C5 Link Sucat Interchange simula 12:01 a.m. sa Setyembre 23, 2024:
Class 1 – Php 36.00
Class 2 – Php 72.00
Class 3 – Php 108.00
Ang Cavitex C5 Link ay isang 1.9-kilometrong expressway na nag-uugnay sa Cavitex Radial Road 1 sa Sucat Interchange sa Parañaque. Ito ay bahagi ng Manila-Cavite Expressway at inaasahang makikinabang sa humigit-kumulang 23,000 sasakyan kada araw. RNT