MANILA, Philippines – BILANG bahagi ng selebrasyon sa araw ng “Kainang Pamilya Mahalaga”, inanunsyo ng lokal n apamahalaang Lungsod ng Maynila na simula alas-3 ng hapon, araw ng Lunes Setyembre 23, ay suspendido na ang trabaho sa Manila City Hall.
Ito ay matapos lagdaan ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang Executive Order No. 31 hinggil sa nasabing selebrasyon ng pamilya.
Ayon sa pamahalaang lungsod ng Maunila, ang pagsuspinde sa trabaho ay alinsunod sa Proclamation No. 60 series of 1992 na inilabas ng Palasyo na nagtatakda tuwing huling linggo ng Setyembre bilang Family Week.
Ito ay alinsunod sa Proclamation No. 326, series of 2012, na nagdeklara sa ikaapat na Lunes ng Setyembre bilang “Kainang Pamilya Mahalaga” Day.
Gayunpaman, ang mga ahensya na ang mga tungkulin ay nagsasangkot ng paghahatid ng mga pangunahin at serbisyong pangkalusugan, kahandaan at pagtugon sa mga sakuna at kalamidad ay magpapatuloy sa kanilang operasyon. Jay Reyes