Home METRO Monopolyo sa kuryente, kurakutan sa gobyerno kinondena ng taumbayan, iskolar ng bayan

Monopolyo sa kuryente, kurakutan sa gobyerno kinondena ng taumbayan, iskolar ng bayan

264
0

BULACAN, Philippines – Maagang nagtipon-tipon ang mga kasapi ng Aniban ng Manggagawa sa Agrikultura (AMA) at SANLAKAS para kundenahin ang korapsyon sa baha at mataas na singil sa kuryente sa Meralco Business Center sa lungsod Malolos nitong Setyembre 30.

Sa impormasyon, kanilang tinutulan at ipinawagan na ibasura ang Electric Power Industry Reform Act of 2001 o EPIRA (R.A 9136) na umanoy dahilan sa patuloy na taas-singil.

Ayon sa isang kinatawan ng manggagawa, inihalimbawa niyang sa isang pamilya na gumamit ng 200 kilowatts per, madadagan ang bill nito ng P3 per kilowatt hour katumbas umano ng P600 dagdag singil.

Sa pamamagitan ng mga hawak na iwinawagayway na plakard ay inilabas nila ang kanilang saloobin gaya ng: “Monopolyo sa kuryente wakasan”, Bumusina kung galit sa korapsyon at mataas na presyo ng kuryente”, Korapsyon sa flood control, korapsyon pa rin sa kuryente” at mura at malinis na kuryente, ngayon na”.

Samantala, sa kasagsagan ng protesta inanyayahan ng mga manggagawa na makiisa ang publiko sa kilos protestang “Kick Back Kontra Korap na pinangunahan ng mga Iskolar ng Bayan o Student Government ng Bulacan State University bandang 2:00 ng hapon.

Mapayapang nagtapos ang programa sa panawagan ng pagkakaisa ng ibat-ibang sektor laban sa patuloy na korapsyon at pagsasamantala.

Isinusulat ito, lumabas na at nagtipon-tipon na ang mga Iskolar ng Bayan patungo sa BULSU Heroes’ Park na may panawagang: “ADVANCE THE PEOPLE POWER!”, Resign all corrupt officials!, Fight for a progressive and pro-people governance!.

Sinasabing bandang 2:00 ng hapon ay magmamartsa sila patungo sa Malolos City hall at tutulak bandang 3:00 sa tanggapan ni Cong. Danny Domingo sa Citywalk para magsagawa rin ng programa. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here