Home NATIONWIDE Monster ship ng China balik na naman sa Ayungin

Monster ship ng China balik na naman sa Ayungin

MANILA, Philippines – Muling namataan sa Ayungin Shoal ang pinakamalaking coast uard ship sa buong mundo, ang China Coast Guard 5901 o tinatawag na “The Monster.”

Sa X post ni dating US Air Force official and former Defence Attaché Ray Powell, sinabi na kasama ng CCG 5203 ang CCG 5901 sa Ayungin Shoal bandang 7:26 ng umaga.

“The 165-meter China Coast Guard 5901 (‘The Monster’) has returned for another intrusive patrol in the Philippines’ exclusive economic zone and has just joined the 102-meter CCG 5203 at 2nd Thomas (Ayungin) Shoal,” ani Powell.

Wala pang tugon ang Philippine Navy at Philippine Coast Guard patungkol dito.

Huling namataan ang CCG 5901 sa Ayungin Shoal noong Hunyo 24.

Nagsimula itong Nakita matapos ang marahas na insidente noong Hunyo 17 kung saan binangga ng bangka ng China ang sinasakyan ng mga tropang Pinoy na nagresulta sa pagkaputol ng hinlalaki ng isang Filipino navy officer.

Namataan ang “The Monster” sa iba’t ibang features ng West Philippine Sea gaya ng Parola Island, Pagasa Island, Zamora Reef, Bayani Bank, Union Bank, Kagitingan Reef, Rizal Reef, Panganiban Reef, Lawak Island, Patag Island Escoda Shoal, at Bajo De Masinloc.

Bukod dito, lumapit din ang monster ship sa El Nido, Palawan.

Noong Hunyo 27 ay namonitor ito 46 nautical miles timog-silangan ng Sanya, Hainan. RNT/JGC