Home ENTERTAINMENT Santino, walang namana kay Clau!

Santino, walang namana kay Clau!

Manila, Philippines- Aminado si Claudine Barretto na mas maraming katangian ni Raymart Santiago ang minana ng kanilang anak na si Santino.

On the actress’ side, ang pagiging generous daw ang nakuha ng guwapong anak.

Minana naman daw ni Santino ang pagiging tahimik at mahiyain ni Raymart.

On the artistic aspect, sa pamilya raw ni Raymart mas nakakuha ng interes si Santino.

Ironically, ayon miamo kay Claudine ay ayaw sundan ng kanilang anak ang mga yapak nila bilang artista.

Naka-lean daw si Santino towards being a director.

Nananalaytay nga naman sa dugo ng bata ang “directorial genes.”

Ang ama ni Raymart, ang nasirang Pablo Santiago ay isang tanyag na direktor.

Maging ang mga tiyuhin ni Santino na sina Rowell at Randy ay nalilinya rin sa pagdidirek ng mga show.

Lahad ni Claudine: “Kaya du’n sa ginagawa kong isang movie, pinakiusapan ko ‘yung producer saka direktor na kung maaari, si Santino ang magdirek ng ibang scenes.”

Kapansin-pansin na takaw-atensyon ang looks ni Santino sa mga girls.

Inamin ni Claudine na lapitin nga ng mga babae ang anak to the point that Santino had to change his mobile phone number para umiwas sa mga babaeng nangungulit dito.

Sa ngayon daw ay wala pang nobya si Santino.

Pagbibisto ng ina: “Pag nagkaroon na raw siya, meron daw siyang ‘girlfriend fund’.”

Asked kung para saan ang “girlfriend fund” na ‘yon, perang iniipon daw ‘yon ni Santino para ni singko’y walang ilalabas ang nobya niya when going out on dates.

Bongga! Ronnie Carrasco III