Home HOME BANNER STORY ‘Monster ship’ ng Tsina bumalik sa Bajo de Masinloc – PCG

‘Monster ship’ ng Tsina bumalik sa Bajo de Masinloc – PCG

MANILA, Philippines- Bumalik ang China Coast Guard (CCG) massive vessel 5901 o mas kilala bilang “monster ship” sa katubigan malapit sa Bajo de Masinloc, ayon sa kumpirmasyon ng Philippine Coast Guard (PCG).

Iniulat ni PCG for the West Phlippine Sea spokesperson Commodore Jay Tarriela na dalawang CCG vessels ang naispatan sa Bajo de Masinloc habang tatlong iba pa ang nanatili sa baybayin ng Zambales.

“Well, right now, nag-swap ulit si CCG 3304 and CCG 5901. CCG 5901 is once again back in the vicinity of Bajo De Masinloc at a distance of 120 nautical miles,” wika ni Tarriela.

“CCG 3304 is the one trying to replace 5901 as it maintained [China’s] illegal presence off the coast of Zambales at a distance of 105 nautical miles.”

Sa kabila ng mga hamon, sinabi ni Tarriela na ang PCG ay aktibong kinikompronta ang Chinese vessels.

Sinabi ni Tarriela na inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.ang pagkuha ng lima pang 97-meter vessels mula Japan at 40 karagdagang vessels mula France upang palakasin ang PCG.  Jocelyn Tabangcura-Domenden