Home HOME BANNER STORY ‘Monster’ ship ng Tsina umalis na sa katubigan ng Pinas

‘Monster’ ship ng Tsina umalis na sa katubigan ng Pinas

MANILA, Philippines – Umalis na ng China Coast Guard 5901, ang pinakamalaking coast guard ship sa mundo na kilala bilang “The Monster,” sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Miyerkules.

“Iniulat ng AFP na ang dalawang barko ng China Coast Guard na nakita malapit sa Bajo de Masinloc ay nasa labas na ng Philippine EEZ,” sabi ni AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla sa isang press briefing.

Sa kabila ng kanilang pag-alis, patuloy pa rin ang pagbabantay ng AFP sa lugar, dagdag pa ni Padilla.

Sa isang post sa X (dating Twitter) noong Biyernes, sinabi ng dating opisyal ng US Air Force at dating Defence Attaché na si Ray Powell na ang 165-meter CCG 5901 at ang mas maliit na 102-meter CCG 5203 ay nagsagawa ng maikling mapanghimasok na patrol malapit sa Bajo de Masinloc, kilala rin bilang Panatag Shoal at Scarborough Shoal.

Kinumpirma rin ni Trinidad ang ulat, na nagsabing ang barko ng China ay nasa 50 nautical miles mula sa Scarborough Shoal noong Biyernes ng umaga.

Ang Bajo de Masinloc, na tinatawag ding Scarborough Shoal o Panatag Shoal, ay isang lugar ng tensyon dahil inaangkin ng China ang halos buong South China Sea. RNT