Dahil sa kawalan ng permit, kinumpiska ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Mining Regulatory Board (PMRB) at pulisya ang truck na punong puno ng mga bato na umano ay pag-aari ng lokal na pamahalaan at pagkakaaresto sa driver nito at helper sa Brgy. Concepcion Pinagbakuran, Sariaya Quezon.
Kinilala ni Quezon police director Col. Ledon Monte ang mga naaresto na sina San Pedro Vito, 51, driver ng truck at Rodelito Ferrer, 48, driver and helper, na kapwa residente ng Brgy. Sto. Cristo.
Ayon kay Monte naharang ang mga suspek ng pinagsabib na pwersa ng PMRB sa ilalim ni Engr. Rommel Sarmiento, Quezon Provincial Office at Sariaya police station sa ilalim ni Lt. Col. Carlo Caceres habang binibyahe ang 18 cubic meter na mga bato.
Nang kwestyunin ang mga suspek, sinabi nila na itatambak ang mga bato sa Brgy Samlaloc 2 kung saan itinatayo ang bagong gusali ng Sariaya, subalit bigo silang makapagpakita ng permit sa mga otoridad.
“Kay Mayor po ito, sa project ng munisipyo”, ayon sa driver.
Sinabi ni Monte na nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Executive Order no. 20 series of 2024 (An Order Declaring a Moratorium on Quarry Operations in the Municipality of Sariaya) na iinisyu ni Quezon Governor Angelina Tan noong April 29.
Ang kautusan ni Gov. Tan na magkaroon ng moratorium sa lahat ng quarry operations sa Sariaya ay para magbigay daan sa komprehensibong pag-aaral na gagawin ng
provincial government of Quezon sa pakikipagkonsultasyon na rin sa department of environment ang natural resources.
Sa ilalim ng kautusan, lahat ng quarry permit na inisyu ng provincial government ng Quezon sa Sariaya ay pansamantalang suspendido , kaya walang inisyu na permit para dito.
Ang sinumang lumabag sa kautusan ay maaaring permanenteng pag bawi sa quarry permit .
Sinabi naman ni Sarmiento na ang kautusan ng gobernador ay bilang tugon na rin sa naunang apela ni Sariaya Mayor Marcelo Gayeta na nag lunsad pa ng signature campaign laban sa quarry operations sa kanyang bayan.
Bilang tugon naman ni Gov. Tan sa apela ni Gayeta,ay kaagad itong nag isyu ng suspensyon sa lahat ng quarry operations sa nasabing bayan sa pamamagitan ng pag iisyu ng moratorium.
Paalala naman ni Sarmiento sa publiko na kanselado na ang lahat nang inisyu na permit ng PMRB sa Sariaya dahil sa moratorium at hindi excuse dito ang hinukay na bato para gamitin sa munisipyo ng Sariaya.(30)