Home METRO Most wanted arestado sa paggahasa sa anak-anakan

Most wanted arestado sa paggahasa sa anak-anakan

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga operatiba ng Antipolo Component City Police nitong Lunes, Abril 15, ang isang 60-anyos na lalaki na tinaguriang most wanted person (MWP) sa Rizal dahil sa panggagahasa sa kanyang menor de edad na stepdaughter noong 2018.

Sinabi ng mga awtoridad na naaresto ang suspek na kinilalang si alyas Nanie sa Barangay San Andres, Cainta, Rizal nitong Lunes dakong 4:36 ng hapon.

Ang suspek ay nahuli sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte para sa dalawang bilang ng qualified rape na walang inirekomendang piyansa at child abuse na may piyansang itinakda sa P200,000.

Lumabas sa imbestigasyon na ginahasa ng suspek ang kanyang 16-anyos na stepdaughter noong 2018 sa loob ng kanilang bahay sa Antipolo.

Sinabi ng pulisya na ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Antipolo Custodial Facility. RNT