Home NATIONWIDE Most wanted na Indiano nasakote sa Las Piñas

Most wanted na Indiano nasakote sa Las Piñas

139
0

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga myembro ng pinagsanib na pwersa ng Warrant and Subpoena Section, Station Intelligence and Detection Management Section (SIDMS) at ng Station Intelligence Section (SIS) ng Las Piñas City police ang isang Indian national na di umanoý sangkot sa pagdukot ng kanyang kababayan Lunes ng gabi, Oktubre 14.

Kinilala ni Las Piñas City police chief PCol Sandro Jay Tafalla ang nadakip na suspect na si alyas Sivarishi, 22, isang estudyante at tinaguriang most wanted person ng lokal na kapulisan.

Sa report na isinumite ni Tafalla kay Southern Police District (SPD) director PBGen Bernard Yang, naganap ang pagdakip sa suspect dakong alas 9:18 ng gabi sa isang food court na matatagpuan sa Alabang-Zapote Road, Pamplona 3, Las Piñas City.

Ang pag-aresto sa suspect ng mga operatiba ng pinagsanib na pwersa ng Las Piñas City police ay bunsod sa inilabas na warrant of arrest na inisyu nitong Oktubre 11, 2024 ni Las Piñas City Regional Trail Court (RTC) Presiding Judge Victor R. Aguba ng Branch 255.

Sa inisyung warrant of arrest ay walang kaakibat na rekomendasyon na piyansa ang korte laban kay alyas Sivarishi na nahaharap sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention, kidnapping for ransom na nakapailalim sa criminal case number 24-0977 na kinokonsidera na mga non-bailable na kaso.

Kasalukuyang nakapiit sa detention facility ng Las Piñas City police ang suspect habang naghihintay ng commitment order na ilalabas ng korte para sa paglipat niya sa Las Piñas City jail. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here