Home METRO Most wanted ng Batangas na may kasong estafa, nalambat sa Pasay

Most wanted ng Batangas na may kasong estafa, nalambat sa Pasay

345
0

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga tauhan ng Station Intelligence Section (SIS) ng Pasay City police ang tinaguriang most wanted person (MWP) bunsod sa kinahaharap nitong kasong estafa nitong nakaraang Biyernes, Setyembre 5.

Kinilalal ni Pasay City police chief P/Col. Joselito De Sesto ang inarestong suspek na si alyas Patrick, 28, residente ng M. Hizon St., Santa Cruz, Manila.

Base sa report na natanggap ni De Sesto, naganap ang pagdakip kay alyas Patrick bandang alas 3:50 ng hapon sa harap ng Midas Hotel na maatatagpuan sa Service Road, Roxas Boulevard, Barangay 76 Zone 10, Pasay City.

Inaresto si alyas Patrick sa bisa ng isinilbing warrant of arrest kaugnay sa kinahaharap nitong kasong estafa na may Criminal Case No. 62596 na inisyu noong Hulyo 4, 2025 ni Municipal Trial Court (MuTC) Presiding Judge Petronila Pitogo TaƱas-Arguelles ng Branch 1 Cities Fourth Judicial Region, Batangas City.

Ang naturang warrant of arrest ay walang kaakibat na rekomendasyon ng piyansa laban sa suspek.

Ayon kay De Sesto, ang modus operandi ng suspek ay mang-engganyo o manghikayat ng kanyang bibiktimahin na mag-invest sa isang proyekto kapalit ng malaking halaga ng kikitaing pera ngunit kapag nakapagbigay na ang biktima ay bigla na lamang itong maglalaho na parang bula.

Makaraan ang pag-aresto sa suspek ay dinala ito sa kustodiya ng Warrant and Subpoena Section (WSS) habang ipineprepara ang pormal na pag turn-over nito sa pangangalaga ng Batangas City police. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here