Home TOP STORIES Abogado sa BI: Desisyon ng korte sa negosyanteng si Joseph Sy, igalang

Abogado sa BI: Desisyon ng korte sa negosyanteng si Joseph Sy, igalang

188
0

Nananatili parin ngayon sa kustodiya ng Bureau of Immigration ang negosyanteng si Joseph Sy sa kabila ng naging utos mula sa Taguig City Regional Trial Court, Branch 271, na inisyu noong September 4 Setyembre 2025, na labag sa batas ang kanyang pagkakakulong at ipinag-utos ang agarangĀ  pagpapalaya sa kanya, ayon sa abogado ng negosyante.

Ayon sa Legal Counsel ni Joseph Sy, binigyang-diin ng Korte na dahil buhay at kalayaan ang nakataya, hindi dapat ipagpaliban ang habeas proceedings at dapat isagawa kaagad ang pagpapalaya dahil wala umanong hurisdiksyon ang BI na i-detain o i-deport ang isang mamamayang Pilipino.

Pinanindigan aniya nito na si Sy ay isang mamamayang Pilipino, na nagpapatunay sa mas mataas na probative value ng kanyang birth certificate at Philippine passports sa Alien Certificate of Registration records o biometrics lamang.

Ang pagpigil aniya sa pagpapalaya kay Sy ay labag sa batas na pagsuway sa judicial authority at pag-abuso sa kapangyarihan at ang ganitong pag-uugali ay sumisira sa hustisya at iisa lang ang legal na landas ang agarang pagpapalaya kay Joseph Sy bilang ganap na pagsunod sa utos ng trial court. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here