Home METRO Most wanted ng Bicol na nahaharap sa 21 kaso ng rape, arestado

Most wanted ng Bicol na nahaharap sa 21 kaso ng rape, arestado

332
0

MANILA, Philippines – Arestado ng pulisya ang most wanted person ng Bicol na nahaharap sa 21 counts ng rape, kasunod ng manhunt operation sa Calatagan, Batangas.

Ayon kay Colonel Noel Nuñez, Albay police chief, ang suspek ay naaresto nitong Sabado, Setyembre 6, matapos na magtago mula pa noong Nobyembre 2024 nang isyuhan ng korte ng warrant of arrest.

Sa pamamagitan ng serye ng surveillance operations, natunton ng mga awtoridad ang suspek.

Nahaharap ito sa kabi-kabilang kaso ng rape sangkot ang dalawang biktima, at ang insidente ay nangyari umano sa Rapu-Rapu, Albay. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here