MANILA, Philippines – Isang lalaki na may kasong 6 counts of rape ang naaresto makaraang may nakakita ritong pagala gala sa loob ng isang mall sa Gen Trias City, Cavite.
Ayon sa report, nakatanggap ang warrant section ng General Trias Component City kaugnay sa suspek na si alyas Ramon na namataan na pagala-gala sa lugar.
Sa ulat, dakong alas-10:00 kamakalawa ng umaga nang magsagawa ng operasyon ang PIT Cavite RIU 4A (Intel Packet Division) at 401st MC RMFB4A na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Napag-alaman na may kinahaharap na warrant of arrest ang suspek dahil sa 6 counts sa kasong Rape sa ilalim ng Art 266-A 1(A) (6 counts) at walang itinalagang piyansa, Rape sa ilalim ng Article 266-A PAR, Rape sa ilalim ng article 266-A in relation to 266-B na pawang walang inirekomendang piyansa at Rape through sexual assault na may piyansang P200,000.00.
Ang nasabing warrant of arrest ay inisyu ni Hon. Flordeliz Cabanlit Fargas, Presiding Judge Family Court, Judicial Region Branch 5, Trece Martires City, Cavite. MARGIE BAUTISTA