Manila, Philippines- Walang explicit o klarong rule ang pamunuan ng Metro Manila Film Festival na bawal magkaroon ng dalawang entry ang isang film company.
Gayunpaman, delicadeza na lang ‘ika nga ng producer na aasamin pa niyang mapasama ang pelikula niya uli.
Such is the case of IdeaFirst Company’s Sisa.
Ito ang comeback film ni Hilda Koronel sa ilalim ng direksyon ni Jun Lana.
Kaso, pasok na sa unang batch of four official MMFF entries ang Call Me Mother.
Tampok dito sina Vice Ganda at Nadine Lustre.
Hence, malabo nang mapasali ang Sisa.
Anyway, originally naman yata’y balak iikot ng IdeaFirst Company ang Sisa sa mga international film festivals.
Sayang, with Hilda in the race ay exciting ang labanan sa Best Actress category.
Samantala, looking forward ang marami sa isasali ng GMA Pictures.
Taong 2023 when it fielded Firefly.
The following year ay Green Bones naman ang nagpakain ng alikabok sa ibang entries in terms of awards received.
Isali kaya ng GMA Pictures ang Gabi ng Lagim, at horror naman for a change?
Sa September 30 nakatakdang ianunsyo ang apat pang official entries.